Carrot Yema Balls

7588
Carrot Yema Balls
Photo Credits: instagram.com/bronwenstx

MGA SANGKAP

  • 1 lata ng condensed milk
  • 4 Egg yolks
  • 1/8 tasa ng shredded Carrots
  • 1 kutsara ng vanilla extract
  • 1 kutsara ng butter
  • 1/2 tasa ng puting asukal

PARAAN NG PAGLUTO

  1. Paghaluin lahat ng sangkap ng yema balls sa isang saucepan at patuloy na haluin sa mababang init.
  2. Ituloy lang ang paghalo upang hindi dumikit, hanggang sa lumapot ang texture nito
  3. Tanggalin sa apoy ang mixture at ilipat ng lalagyan at hayaang lumamig.
  4. Kapag malamig na ang mixture, kumuha ng maliit na piraso at hulmain ng pabilog.
  5. Ilagay ang yema balls sa isang plato na may asukal, i-roll ito at tanggalin ang anumang sobrang asukal.
  6. Maaari na itong i-serve o ilagay sa isang plastic jar o ilagay sa cellophane. Enjoy.

Credits to: pinoyrecipe.net