MGA SANGKAP
- 1 block ng Tokwa
- 1 cup Malunggay leaves
- 1 Carrots, ginadgad
- 1 Singkamas, ginadgad
- 1 Itlog
- Asin
- Paminta
- Siomai wrapper
INSTRUCTIONS
- Uunahin ang tokwa. Dudurugin ito hanggang sa maging pinung-pino. Alam nyo ba na ang tokwa ay mayaman sa protina…
- Isunod na ilagay ang malunggay. Alam nyo ba na ang malunggay ay sagana sa bitamina at fiber?
- Isusunod natin ay ang ginadgad na carrot at haluin itong mabuti. Ang carrot ay mayaman sa beta-carotene. Ito ay nagpapalinaw ng ating mga mata
- Isusunod ilagay ay ang singkamas na ginadgad. Ang singkamas ay mayaman sa bitamina A.
- Isusunod natin ang itlog. Ginamit natin ang itlog upang magsilbing binder sa mga gulay para hindi sya maghiwa-hiwalay pag binalot na sa siomai wrapper. Lagyan ng asin at paminta, haluin sya ng mabuti. Kapag ang mga gulay ay nagsama-sama na, pwede na natin syang ibalot sa siomai wrapper.
- Matapos natin itong balutin, ilalagay na natin ang mga ito sa steamer at sa loob ng 5 minuto. Matapos ang limang minuto, titignan natin kung pwede nang hanguin.
- Ito ay napakadaling ihanda. Ilagay lang sa ref at magandang pambaon din ito ng mga bata sa eskwela.
- Subukan na ang masarap at masustansiyang Oh My! Siomai Gulay!
Credits to: m.facebook.com/ABSCBNsalamatdok