Paano mag Luto ng Longganisang bawang ng Bulacan

16640
Photo Credits: marietiglao.wordpress.com

INGREDIENTS

  • ½ kilo Longganisang Bawang
  • ½ baso ng Mantika
  • 1 baso ng Tubig
  • ¼ baso ng Suka
  • 3 pirasong Bawang
  • 2 pirasong Siling Labuyo
  • Asin

INSTRUCTIONS

  1. Hugasan ng mabuti ang longganisa. Ibabad sa tubig kung galing sa freezer.
  2. Balatan at dikdikin ang bawang.
  3. Hiwain ng maliliit ang siling labuyo.

Ang pagluluto ng Longganisang Bawang:

  1. Sa isang kawali, ilagay ang longganisa at tubig. Pakuluin hanggang matuyo ang tubig.
  2. Kapag malapit nang matuyo ang tubig ibuhos ang mantika. (Mag-ingat sa tilansik, siguraduhin na may takip ang kawali).
  3. Hayaang mapirito ang longganisa hanggang maging kulay dark-brown tapos hanguin.
  4. Para sa sawsawan, ilagay ang suka sa isang mangkok at ihalo ang bawang, siling labuyo, at kaunting asin.

Credits to: pulutanrecipes.com/recipes/longganisang-bawang-ng-bulacan