Ginisang bagoong at Mangga

10752
Photo Credits: pulutanrecipes.com

 

Mga sangkap ng ginisang bagoong

 

  • 2 baso ng Bagoong Alamang
  • 1 pirasong Sibuyas
  • 5 pirasong Bawang
  • ½ baso ng asukal na pula
  • ½ baso ng suka
  • 2 kutsarang Mantika
  • 3 pirasong siling labuyo (optional)

Mga paghahanda

  1. Balatan at hiwain ng maliliit ang sibuyas at bawang.
  2. Hiwain ng maliliit ang siling labuyo. (optional)
  3. Ang pagluluto ng ginisang bagoong:
  4. Sa isang kawali painitin ang mantika.
  5. Igisa ang bawang at isunod ang sibuyas at siling labuyo.
  6. Ilagay ang bagoong alamang, haluin at hayaang maluto sa loob ng 2-3 minuto.
  7. Ilagay ang suka at hayaang kumulo at maluto sa loob ng 3-5 minuto. *important (Pag nailagay na ang suka, huwag hahaluin o tatakpan ang kawali dahil mahihilaw ang suka.)
  8. Ilagay ang asukal na pula, haluin ng madalas at hayaang maluto sa loob ng 15-29 minuto.
  9. Hayaang lumamig at pwede nang ilagay sa isang lalagyan at itago sa refrigerator.
  10. Pwede na rin kainin!
ALSO SEE:  Rice Puto with Bukayo or Bukayo Puto

Credits to: pulutanrecipes.com