Crispy Kare-Kare

11471
Photo Credits: tetadventurer.blogspot.com

CRISPY KARE-KARE. Para maiba naman po ay subukan natin ang kare-kare na ang main ingredient ay Lechon Kawali.. super yummy po yan.

INGREDIENTS

  • 1 kilo pork liempo
  • 3 tasa beef broth
  • 6 kutsara peanut butter
  • 1 kutsara bawang (pinitpit at tinadtad)
  • 1 kutsara toyo
  • 1/2 kutsarita pamintang durog
  • 1 kutsara patis
  • 3 talong (hiniwa-hiwa)
  • 2 bundle sitaw (hiniwang 2-3 pulgadang pahaba)
  • 4 na tumpok pechay o bokchoy
  • Mantika
  • Tubig
  • Asin
  • Atswete powder (optional)

INSTRUCTIONS

  1. 3 parts po itong recipe na ito. Hiwalay po nating lulutuin ang lechon kawali (liempo), kare-kare sauce at mga gulay at saka po natin pagsasama-samahin sa bandang huli.
  2. Una po ay pakuluan natin ang liempo sa tubig at asinan lang po natin ito sa tamang panlasa.. mga 1 kutsarang asin. Kapag kumulo na ay hinaan ang apoy at hayaan po itong maluto ng 40 minuto. Hanguin at palamigin po natin ng konti. Mag-init po tayo ng maraming mantika sa kawali (deep fry po ang the best procedure) pero simulan po natin sa katamtamang apoy dahil sa high heat ay pumuputok-putok ang liempo. Takpan po natin ang kawali para safe.. at pagkatapos ay itaas po natin ang apoy ng gradual hanggang sa maging crispy ang labas ng unti-unti.. mga 30 hanggang 40 minuto. Hanguin ang crispy liempo at itabi muna.
  3. Lutuin po natin ang gulay. pinaka the best po ay steam cooking.. unahin po ang talong at pagkatapos ng 5 minuto ay idagdag ang sitaw.. pagkatapos ng 4 minuto ay idagdag ang petsay o bokchoy.. pagkatapos ng 3 minuto ay patayin ang apoy dahil luto na ito. Kung wala pong steamer ay pwede rin ang pakuluan sa tubig.. tandaan po lamang na ang talong ang pinakamatagal maluto.. 2nd ay sitaw at ang pinaka-madali ay bokchoy.. bantayan lang po natin itong mainam.
  4. Habang niluluto po ang gulay ay pwede na rin nating isabay ang pagluluto ng kare-kare sauce. Critical po ito dahil ang sauce ang magbibigay ng sarap sa inyong kare-kare kahit maubusan na ang bagoong. Madali lang po ito. Una ay mag-init ng 2 kutsarang mantika sa sauce pan. Iprito po natin ang bawang hanggang mag golden brown ang kulay n2. Idagdag ang 3 tasang beef broth at hayaang kumulo sa mataas na apoy. Kapag kumulo na ay hinaan ang apoy at idagdag ang toyo, peanut butter at paminta. Haluin po natin ito ng haluin dahil ang init at patuloy na paghahalo ang magpapalapot sa sabaw n2. Optional po ay atswete powder para pampakulay sa sauce para magandang tingnan. Kapag kuntento na sa lapot ng sabaw ay patayin ang apoy at pagsama-samahin ang mga sahog sa isang plato.. di na po kailangan dahil masarap na ang sauce at kumpleto na ang lasa pero mas original po kung i-serve natin ang bagoong.

Credits to: m.facebook.com/Sarap-Rasa-Pinas